Patuloy na pagbibigay ng 144 libreng dialysis session sa mga pasyente, panawagan ng isang Senador sa PhilHealth

Muling umapela si Senator Risa Hontiveros sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng treatment para sa mga dialysis patients ngayong taon.

Tinukoy ni Hontiveros na ang bawat pasyente ay nangangailangan ng kabuuang 156 dialysis sessions para sa isang buong taon ng gamutan.

Paliwanag ni Hontiveros, Kailangang patuloy na alalayan ang mga dialysis patients, lalo na ngayong hindi pa tayo tuluyang naka-recover mula sa epekto ng pandemya.


Kung matatandaan, dinagdagan ng PhilHealth ang bilang ng free dialysis sessions para maging 144 sessions ito noong Nobyembre 2020 para matulungan ang mga pasyente sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments