
Tiniyak ni Senator Loren Legarda ang patuloy na pagsusulong ng kapakanan, kaligtasan at maayos na sitwasyon ng mga kababaihan sa bansa.
Ginawa ng senador ang pahayag sa gitna ng pagdiriwang ngayon ng Araw ng mga Kababaihan.
Tinukoy ni Legarda ang patuloy pa rin na mga banta sa karapatan ng mga kababaihan sa ilalim ng 2024 Global Gender Gap Index (GGGI).
Naniniwala ang senadora na ang susi para sa tamang dignidad at respeto sa mga kababaihan ay matatagpuan sa mas epektibong proteksyon sa ilalim ng mga batas.
Mas lalo aniyang pinalalalakas at pinatatatag ang ating bansa kung sinusuportahan at pinoprotektahan ang kanilang mga karapatan gayundin ang mas pinaigting na access at kalidad sa kanilang edukasyon at paglikha ng pantay na oportunidad sa ating ekonomiya.