
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang dedikasyon at sakripisyo ng mga guro para sa mga kabataang Pilipino kasabay ng pagsisimula ng Ligtas-Eskwela 2025.
Sa kaniyang talumpati sa San Miguel, Bulacan, nangako ang pangulo na makaaasa ang mga guro sa patuloy na suporta mula sa pamahalaan.
Aminado ang pangulo na maaaring kulang ang naibibigay na suporta ng gobyerno sa mga guro kaya sisiguruhin aniyang maihahatid sa sektor ang mga kinakailangang tulong.
Bukod sa tulong pinansyal, tututukan rin aniya nila ang pagbibigay ng pagsasanay sa mga guro para tumaas ang kalidad ng pagtuturo sa mga estudyante.
Binigyang diin din ni Pangulong Marcos ang desisyon ng Department of Education na tanggalin ang administrative work ng mga guro para mas matutukan ang pagtuturo sa klase.