Patuloy na tiwala at respeto sa hanay ng PNP, isa sa dasal ni PNP Chief Eleazar sa pagdiriwang ng Eid’l Adha

Pagtitiwala, paggalang at pagsunod sa mga aral ng Diyos ang siyang makapagbibigay ng ganap na kapayapaan at kaunlaran sa bansa.

Ito ang mensahe ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Gen. Guillermo Eleazar kasabay ng pagdiriwang ng Eid’l Adha o Feast of Sacrifice ngayong araw.

Sinabi ni PNP chief, hangad niyang magpatuloy ang paggalang at pagtitiwala ng bawat Pilipino sa kabila na magkakaiba ang paniniwala.


Hangad rin ni PNP chief na muling mabawi ang tiwala ng publiko sa PNP sa pamamagitan ng pagpapakita ng tunay, tapat at dalisay na paglilingkod sa mga Pilipino.

Aniya kaisa nang buong sambayanang Pilipino partikular na ng mga kapatid na Muslim ang PNP sa pagdiriwang na ito at umaasa siyang matatamasa ng bansa ang inaasam na kapayapaan at kaunlaran para sa lahat.

Facebook Comments