Patung-patong na kaso isasampa vs Meralco kapag nagpatuloy sa pagbalewala sa SC ruling

284

Manila, Philippines – Nagbabala ang Murang Kuryente Consumers Group at Bayan Muna na hindi sila mangingiming magsampa ng panibagong kaso laban sa matataas na opisyales ng Manila Electric Company.

Ito ay sa sandaling ipagpatuloy ng Meralco ang mapanlinlang na hakbang para makuha ang 1,200-megawatt coal-fired power plant sa Atimonan Quezon sa pamamagitan kanilang ‘wholly-owned subsidiary’.


Ayon kay Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate, nagdesisyon na ang Supreme Court (SC) sa pamamagitan ng pagbasura sa kontrobersyal na pitong Power Supply Agreements na labag sa umiiral na batas dahil hindi ito dumaan sa Competitive Selection Process na pamantayan para sa isang public bidding.

Batay aniya sa huling pahayag ng Meralco lumalabas na mapupunta sa Atimonan One Energy Inc. ang multi-billion peso contract, isang kumpanyang pagmamay-ari pa rin ng giant power company.

Ang hakbang na ito ng Meralco aniya ay malinaw na pagpigil sa free trade and commerce competition na paglabag ito revised penal code lalo na sa mga probisyon ng Philippine Competition Act o PCA.

Giit ni Zarate ang pitong PSA ng Meralco ay may itinagong P900 bilyon bilang karagdagan o ‘overpriced charges’ na magpapahirap sa mga consumer sa loob ng susunod na mahigit dalawang dekada.

Facebook Comments

From Advertisers