Pauleen Luna, may banat sa pang-iintriga ng isang basher tungkol sa kanyang anak

154

Showbiz – Hindi pinalampas ni Pauleen Luna ang pang-iintriga ng isang basher tungkol sa kanyang anak at iba pang mga anak ng mister niyang si Vic Sotto.

Nitong weekend kasi nag-post sa instagram ang aktres ng larawan ng kanilang baby girl nang makauwi na ng bahay.

Comment ng netizen, mukang nagseselos raw ang ibang mga anak ni vic dahil hindi nila dinadalaw si baby Tali?

Banat ni Pauleen, sino naman nagsabing hindi nila dinalaw ang kanilang baby?

Sa hiwalay na instagram post ni Oyo Sotto, ibinahagi niya ang larawan ng pagbisita niya sa bagong silang na kapatid noong linggo kasama ang asawang si Kristine Hermosa.

Bukod sa anak nila ni Pauleen na si Talitha, may iba pang mga anak sa dati niyang asawa si Vic kabilang sina Danica at Oyo mula sa una niyang asawa na si Dina Bonnevie; Si Vico Kay Coney Reyes; at si Paulina na anak sa dating aktres na si Angela Luz.

Facebook Comments