Paulo Avelino – top trending sa twitter matapos na mag-judge sa Binibining Pilipinas 2017

684

Manila, Philippines – Top trending topic ngayon sa twitter ang aktor na si Paulo Avelino matapos na maging isa sa judges ng 2017 Binibining Pilipinas na ginanap sa Araneta Coliseum kagabi.

Pumalo nga sa mahigit 9,000 tweets at mention ang aktor kung saan maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa outfit ni Paulo na tinawag pang “hot”.

Patok din sa twitter ang mga nakatutuwang memes, hugot at banat ng ilang netizens sa naging tanong ng aktor sa Q&A portion ng pageant.

Nabatid na dalawang beses nakapagtanong si Paulo sa mga kandidatang sina charmaine Elima at Christa Borja.

Kinoronahan naman bilang Bb. Pilipinas 2017 si Rachel Peters na siyang susunod na kinatawan ng bansa para sa Miss Universe Pageant.

Paolo Avelino’s questions:
What kind of day would be the best day of your life?
What is your view on cursing or pagmumura?

DZXL558

Facebook Comments