Pautang at alok na investment ng China sa Pilipinas, isang pain lamang ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano

74

Manila, Philippines – Naniniwala si Magdalo Partylist Representative Gary
Alejano na ang mga pautang at iniaalok na investment ng China ay pain
lamang upang makuha ang karapatan ng bansa sa mga teritoryo nito.

Ayon kay Alejano – nahulog na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bitag ng
China kung kaya’t walang magagawa ang Pilipinas kung papasok ang China sa
ating teritoryo gaya ng Benham Rise.

Ipinunto pa ng mambabatas –ang kawalan ng aksyon ng Pangulo sa karapatan ng
bansa sa West Philippine Sea ay senyales lamang na kayang gawin ng China
ang lahat ng kanilang gusto.

Facebook Comments