PAUWI NA | 200 distressed OFWs, balik Pinas ngayong araw

25

Manila, Philippines – Naghahanda na ang OWWA repatriation team, kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang alalayan sa immigration documentation at customs formalities paglapag sa paliparan ng mga uuwing distressed Overseas Filipino Workers (OFW) ngayon umaga.

200 distressed OFWs na nag avail ng amnesty program sa Kuwait ang inaasahang darating ngayon umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 sakay ng Qatar Airways flight QR 934.

Ang repatriation ay bunsod ng amnesty program na ipinagkaloob ng Kuwait Government sa mga dayuhan, na nagsimula nuong pang a dos ng Pebrero.

Pagkakalooban din ang mga darating na OFWs ng limang libong pisong paunang cash assistance.

Ang mga returning OFWs ay maaaring maging beneficiaries ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay Program,” ng pamahalaan na nagbibigay-daan sa kanila upang magkaroon ng start-up capital para sa isang micro livelihood project.

Sa April 22 magpapaso ang amnesty program ng Kuwaiti Government sa mga undocumented OFWs.

Facebook Comments