“Pay It Forward” drive ng aktres na si Gabbi Garcia at ng boyfriend nito, balak pa ring ituloy kahit tapos na ang COVID-19

29

Balak ituloy ng recording artist at actress na si Gabbi Garcia ang sinimulan nitong Non-Government Organization (NGO) kahit tapos na ang COVID-19 pandemic.

Ayon kay Gabbi, isa sa kaniyang mga natutunan ngayong panahon ng COVID-19 ay ang tumulong, lalo na kung mayroon kang kakayahan.


Masaya din siya sa naging tagumpay ng “Pay It Forward” drive na sinimulan niya kasama ang boyfriend na si Khalil Ramos at iba pa nilang kaibigan.

Ang “Pay It Forward” drive ay isang fundraising activity na magbibigay-suporta sa mga frontliners sa bansa sa pamamagitan ng pagdo-donate ng Personal Protective Equipment (PPE), pagkain at iba pang kinakailangang kagamitan.

Facebook Comments