PAYOUT PARA SA MGA BENEPISYARYO NG AICS SA BINALONAN, ISINAGAWA

33

Nagsagawa ng payout ang Department of Social Welfare and Development Field Office 1 sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS kahapon, ika-7 ng Setyembre sa Ramon J. Guico Sr. Sports and Civic Center, Binalonan, Pangasinan.

500 residente nito mula sa 24 na barangay ang dumaan sa balidasyon na tumanggap ng tig 3, 000.
Layunin nitong matulungan ang mga mahihirap na sumasailalim sa krisis upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa naturang pay out naging panauhing pandangal si Senator Christopher Bong Go, na namahagi din ng food packs, bisikleta at iba pa para sa mga benepisyaryo.
Bago pa man ang pay out nagkaroon ng assessment ang mga social worker ng DSWD bago pa man magpamahagi ng tulong. | ifmnews
Facebook Comments