PBA | Alaska Aces, panalo kontra Magnolia Hotshots; 103-99

Manila, Philippines – Nasungkit ng Alaska Aces ang kanilang ika-anim na sunod na panalo kontra Magnolia Hotshots sa nagpapatuloy na 2018 PBA Commissioners Cup.

Tinalo ng Aces ang Hotshots sa score na 103-99 kung saan bumida sa panalo ng Alaska si “Muscle Man” Vic Manuel na nakapagtala ng 35-points.

Aminado si Aces Coach Alex Compton na humanga siya sa naging performance ni Manuel lalo na at suspendido ang isa niyang star player na si Calvin Abueva na nag-awol ng ilang araw sa kanilang koponan.


Samantala, tinalo naman ng Columbian Dyip ang Phoenix Fuel Masters sa score na 115-107 sa unang laro kahapon na ginanap sa The Big Dome.

Facebook Comments