PBA | Alaska Aces Vic Manuel, naging emosyonal sa paglipat ni Calvin Abueva

Manila, Philippines – Naging emosyonal si Alaska Aces Vic Manuel matapos na mai-trade ang dating kasamahan nitong si Calvin Abueva sa Phoenix Fuel Masters.

Sa mensahe nito sa kaniyang instagram post, mananatili daw na kapatid ang turing niya kay Abueva kahit na lumipat na ito ng ibang team.

Ipinost pa nito ang picture nilang dalawa noong naglaro sila sa FIBA 3X3 World Tour 2014.


Binati din niya si Abueva at umaasa siyang magiging maayos ang lagay nito sa bago niyang koponan.

Facebook Comments