PBA at Batangas Govt., magpupulong para sa practice ng mga koponan

27

Makikipagpulong sa Sabado ang mga opisyal ng Philippine Basketball Association (PBA) sa local executives ng Batangas Local Government Unit (LGU).

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, layon nito na makapagsagawa ng practice ang PBA teams.


Tiniyak naman ni Marcial na bago magsagawa ng practice games ay hihingin muna nila ang approval ng Inter-Agency Task Force (IATF), Games and Amusements Board (GAB) at ng LGU.

Sa ngayon, wala pang go-signal ang pamahalaan para pagayan ang pagbubukas ng PBA season 46th.

Nabatid na ang Batangas ay nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) habang ang Metro Manila ay nasa Modified ECQ kung saan pinagbabawal ang mga gatherings.

Facebook Comments