PBA | Barangay Ginebra at Blackwater Elite, magsasalpukan na

48

PBA – Sisikapin ngayon ng Barangay na manatili sa top spot ng team standings ng PBA Philippine Cup.

Makakaharap mamaya ng Ginebra ang Blackwater Elite sa ganap na alas-7:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena.

Kumpiyansa si Coach Tim Cone na makakaya nilang talunin ang Elite lalo na’t bumalik na sa line-up si Sol Mercado matapos gumaling mula sa left ankle injury.

Bago ang nasabing laban, magbabakbakan muna ang Rain or Shine Elasto Painters at Globalport Batang Pier na kapwa galing sa mga talo sa huli nilang laro.

Facebook Comments