PBA | Barangay Ginebra, wagi kontra NorthPort; 104-98

35

Manila, Philippines – Nananatili sa unang pwesto ang Barangay Ginebra sa PBA Governors Cup matapos talunin ang NorthPort sa score na 104-98.

Bumida sa panalo ng Gins si Japeth Aguilar na may 23 points at 9 rebounds.

Nag-ambag naman ng 27 points si Justin Brownlee habang mayroong tig-18 points si Greg Slaughter at LA Tenorio.

Dahil sa panalo ay mayroong 3-0 win-loss record habang ang NorthPort ay may 0-4 win-loss record.

Facebook Comments