PBA | Christian Standhardinger, nangunguna sa Best Player of the Conference race

Manila, Philippines – Dahil sa consistency na ipinakita nito sa elimination round, hindi na nakapagtataka na si Christian Standhardinger ang nangunguna sa statistical race para sa Best Player of the Conference sa PBA Governors Cup.

Nagtala ang Fil-German rookie ng San Miguel Beer ng 23.3 points, 13.6 rebounds at 1.6 assists average para makapagtala ng 43.1 statistical points kada laro.

Nasa ikalawang puwesto naman si Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra sa kaniyang 19.9 points, 6.9 rebounds at 1.8 assists para sa 34.8 statistical points kada laro.


Pangatlo si Chris Banchero ng Alaska sa kaniyang 34.2 SPs habang pang-apat si Stanley Pringle na may 34 SPs ng North Points at pang-lima si Calvin Abueva ng Phoenix Petroleum na may 31.9 SPs.

Facebook Comments