PBA Commissioners Cup, balik aksyon ngayon araw matapos ang 2017 SEABA Championships

47

Manila, Philippines – Matapos ang SEABA Championship, isang matinding aksyon naman ang aabangan sa pagbabalik ng PBA Commissioners Cup mamaya sa Cuneta Astrodome.

Maghaharap sa unang game sa alas:4: 15 ng hapon ang San Miguel Beermen laban sa NLEX Road Warriors kung saan sisikapin ngayon ng NLEX (0-8) na masungkit ang unang panalo habag pipilitin naman ng Beermen (5-1) na manatili sa number one spot ng team standings.

Susundan ito ng barangay Ginebra (5-1) kontra Rain or Shine Elasto (4-4) Painters na kapwa naghahangad na manalo para sa pwestuhan sa quarterfinals.

Hindi pa naman sigurado kung makakalaro mamaya sa kani-kanilang PBA teams ang mga Gilas player na sina June Mar Fajardo ng San Miguel, Japeth Aguilar ng Ginebra at Raymond Almazan ng Rain or Shine.

DZXL558

Facebook Comments