PBA | Gin Kings wagi kontra Hotshots; 93-86

33

Tinalo ng Barangay Ginebra ang Magnolia Hotshots sa kanilang Manila Clasico Game sa 2018 PBA Governors Cup.

Hindi pinaporma ng Gin Kings ang Hotshots sa score na 93-86 kung saan nanguna sa panalo ang import ng Ginebra na si Justine Brownlee na may 29-points at 12-rebounds.

Dahil sa panalo, nangunguna ngayon sa team standings ang Gin Kings na may 8-2 win/loss records at papasok sa quarterfinals hawak ang twice to beat advantage.

Facebook Comments