PBA | Globalport Batang Pier pinadapa ang Rain Or Shine Elasto Painters

30

PBA – Panalo ang Globalport Batang Pier kontra Rain Or Shine Elasto Painters sa iskor na 78-70 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Naging bida sa Batang Pier si Stanley Pringle na may 29 points, 9 rebounds habang 12 points at 13 rebounds ang iniambag ni Kelly Nabong.

Dahil sa panalo ay mayroon ng isang panalo at dalawang talo ang Batang Pier.

Samantala, tinambakan ng Blackwater Elite ang Barangay Ginebra San Miguel sa iskor na 94-77.

Bumida sa laro si Poy Erram na may 22 points, 11 rebounds at apat na blocks habang mayroong 22 points si Mac Bello at 17 points naman si Allein Maliksi.

Facebook Comments