PBA | GlobalPort Batang Pier pinutol ang pananalasa ng San Miguel Beermen; 98-94

29

Manila, Philippines – Ginulat ng GlobalPort ang San Miguel Beermen, 98-94 para maitala ang ikaapat na panalo nito sa walong laro sa pagpapatuloy ng commissioner’s cup sa PBA.

Naisalpak ni Nico Elorde ang three-point shot nito may 48.1 segundo na lamang ang natitira sa laro para ibigay ang 95-92 na kalamangan para sa Batang Pier.

Hindi na binitawan ng Global Port ang abante hanggang sa matapos ang laro.

Nagawa ng Global Port ang upset win kontra Beermen kahit wala ang import nilang si Malcolm White na na-eject may walong minuto pa ang natitira sa 4th quarter.

Umiskor ng team high 25 points si White habang may 33 naman si Renaldo Balkman para sa Beermen.

Dahil sa talo, bumagsak sa 3-4 win loss slate ang SMB.

Facebook Comments