PBA Governor’s Cup, magsisimula na mamaya!

80

Aarangkada na mamaya ang PBA Governor’s Cup.

Opening game ang tapatan ng Alaska Aces at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon.


Babantayan ng Aces ang rookie na si CJ Perez na nagpamalas ng mahusay na performance noong FIBA World Cup.

Alas-7:00 naman ng gabi ay maghaharap ang NorthPort Batangpier at Rain or Shine.

Aabangan naman dito ang ipapakita ng power rookie na si Robert Bolick.

Samantala, magsisimula na bukas ang DZXL Radyo Trabaho Volleyball Tournament na gaganapin sa Guadalupe Nuevo Gym, alas-dos ng hapon.

Magtutunggali sa opening game ang Lady Raptors kontra RMN Head Office, na susundan ng Nota Bulls kontra OJT Warriors sa ikalawang laro.

Facebook Comments

From Advertisers