PBA icon Robert Jaworski, naka-recover na sa pneumonia at negatibo sa COVID-19

Naka-recover na sa sakit na pneumonia ang Philippine Basketball Association (PBA) icon na si Robert Jaworski.

Sa isang pahayag na inilabas sa Facebook page ni Jaworski, sinabi ng pamilya ng PBA icon na bagama’t hirap itong maibalik sa normal ang kondisyon ng katawan ay nasa maayos naman itong kalagayan.

Sinabi pa ng pamilya ni Jaworski na nagnegatibo rin sa COVID-19 ang PBA icon kaya unti-unti na itong nagpapagaling.


Si Jaworski ay nakilala sa koponang Barangay Ginebra bilang coach nitong 80s, 90s at nagdiwang ng kaniyang ika-75 kaarawan nitong March 8.

Facebook Comments