PBA, inaasahang magsisimula na sa mga lugar na nasa ilalim ng GCQ

67

Inaasahang magsisimula na sa susunod na linggo ang bagong liga ng Philippine Basketball Association (PBA).

Kasunod ito ng pagpapanatili ng Metro Manila sa General Community Quarantine (GCQ) kasama ang Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Talisay City, Zamboanga City, at Minglanilla at Consolacion Towns sa Cebu province.


Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nasa tamang landas ang liga para sa pagsisimula ng season matapos ilang buwang masuspinde dahil sa COVID-19 pandemic.

Aniya, unti-unting magbabalik sa training ang 12 ball clubs kapag natapos na ang kanilang Coronavirus tests sa August 7, 2020.

Facebook Comments