PBA, ipinaliwanag kung bakit hindi pa maaaring maglaro si Phoenix Star Calvin Abueva

92
Photo Courtesy: Courtside PH

Nilinaw ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Willie Marcial na hindi pa maaaring maglaro si Phoenix Star Calvin Abueva sa pagpapatuloy ng Philippine Cup na gaganapin sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Marcial, hindi pa nakukumpleto ni Abueva ang requirements sa ipinataw na indefinite suspension sa kaniya noong nakaarang taon.

Sinabi pa ni Marcial na tinawagan at ipinaliwanag niya ito kay Abueva kung saan hindi naman na idinetalye ng commissioner ang requirement na kanilang hinihingi.

Hindi naman alam ni Marcial kung isinama ng Phoenix sa line-up si Abueva pero kinumpirma nito na nagpasa na ng 24-man roster ang fuel masters.

Facebook Comments