PBA | Jericho Cruz, ipinamigay ng Rain or Shine sa TNT Katropa matapos ma-expire ang kontrata nito

80

PBA – Pinamigay na ng Rain or Shine Elasto Painters si Jericho Cruz sa TNT Katropa.

Ito ay dahil sa tapos na ang kontrata niya sa painters kung saan ipinalit sa kaniya ang rookie ng TNT na si Sidney Onwubere kasama ang first round pick ng Katropa sa 2018.

Mismong si Elasto Painters Coach Caloy Garcia ang nagkumpirma nito pero inaantay pa din nila ang approval ng PBA Board.

Si Cruz na 9th pick ng Rain or Shine noong 2014 draft ay minsan nang naging Most Improved Player at mr. Quality minutes matapos na tulungan masungkt ng elasto painters ang kanilang ikalawang championship noong 2016 commissioner’s cup.

Facebook Comments