PBA | Jericho Cruz ng TNT KaTropa, handang maglaro sa Gilas Pilipinas kahit na practice player

Manila, Philippines – Willing ang player na si Jericho Cruz ng TNT KaTropa na maglaro sa Gilas Pilipinas sakaling kunin ito ni Coach Chot Reyes.

Ayon kay Cruz, kahit na maging practice player lamang ng national squad ay walang problema para sa kaniya basta at para sa bansa.

Sinabi pa ni Cruz na nag hihintay lang siya ng tawag mula kay Coach Chot at kaniya daw ibibigay ang 100 percent na commitment upang hindi maabala ang mga nais nitong programa sa Gilas.


Inilabas ni Cruz ang pahayag matapos madismaya si Reyes sa attendance ng mga Gilas Pool sa unang practice nila bilang pag-hahanda sa FIBA World Cup Asia qualifers kung saan siyam lamang ang nakapunta.

Facebook Comments