PBA | June Mar Fajardo, best player of the conference in the bag na nga ba?

56

Manila, Philippines – Lalong naging malinaw ang daan para makamit ni San Miguel Beer big man at reigning four-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ang ikalawang sunod nitong Best Player of the Conference plum.

Sa pagpasok ng Beermen sa finals, nawala ang pinakamahigpit na karibal ni Fajardo sa presitihiyosong parangal.

Tinalo kasi ng San Miguel ang Aces sa semis at dahil hindi hindi na makakascore pa ng statistical points si Vic Manuel na siyang kalaban ni Fajardo sa statistical race para sa BPC award.

Bahagyang lamang sa stats race si Manuel pagkatapos ng elimination round ng commissioner’s cup pero napawi ito ni Fajardo sa quarterfinals at sa semis.

Kung makukuha ni The Kraken ang BPC award, lalong lalaki ang kaniyang pag-asa na makuha ang ikalimang sunod na MVP award sa liga.

Facebook Comments