PBA | Kobe Paras, nag-desisyong manatili muna dito sa bansa at mag-focus ng kaniyang career sa Gilas Pilipinas

35

Manila, Philippines – Desidido na ngayon ang basketball sensation na si Kobe Paras na manatili dito sa Pilipinas at sumabak na muna sa practice ng Gilas Cadets.

Ayon kay Paras, plano sana niyang maging professional basketball player sa Amerika matapos na sibakin sa pwesto ang kaniyang coach na si Reggie Theus sa Cal State Northridge.

Pero dahil sa hindi siguradong kinabukasan na makapaglaro ng pro-basketball, nag-desisyon siyang bumalik sa bansa.

Agad na nag-practice si Kobe kasama ang mga Gilas Cadets kagabi pero hindi naman nito masagot kung lalaro na lamang siya sa PBA na kauna-unahang professional league sa buong Asia.

Facebook Comments