PBA | Magnolia, pinadapa ang Ginebra sa game 1 ng Manila Clasico Semi-final round

39

Manila, Philippines – Binasag ng Magnolia Hotshots ang matikas na depensa ng Ginebra Gin Kings sa kanilang game 1 semi-final round sa PBA Governor’s cup sa Ynares center kagabi.

Kumamada ng 37 points, 16 rebounds at 5 assist ang import ng hotshot na si Romeo Travis habang nag-ambag naman si Paul Lee ng 27 points para kunin ang panalo sa score na 106-98.

Samantala, update sa RMN Radyoman Manila Basketaball bonding tournament:

Tinalo ng DWWW/iFM ang DZXL 558 Manila, 73-55, sa muling pagtutuos ng dalawang team sa Philippine Army Gym Kahapon.

Dahil sa panalo pasok na sa finals ng torneo ang DWWW/iFM kung saan makakaharap nila ang Lunas Kalusugan.

Ito ay makaraang tambakan din ng lunas kalusugan ang Gentle Hands Holistic Wellness Center, 85-65.

Facebook Comments