PBA, magpupulong sa muling pagsisimula ng mga liga

Magpupulong ngayong linggo ang Philippine Basketball Association (PBA) para maisapinal ang pagbabalik ng mga liga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, isasagawa ang pulong sa Miyerkoles at Huwebes.

Ilan sa mga pag-uusapan ay ang gagawing bubble games ng PBA at ang pagpapatuloy ng 45th season ng All-Filipino Cup.


Kukuha rin aniya sila ng mga impormasyon at suhestiyon mula sa mga manlalaro.

Facebook Comments