PBA, magsasagawa ng 3-point Shootout Charity Virtual Tournament

44

Magsasagawa ang Philippine Basketball Association (PBA) ng 3-point Shootout Charity Virtual Tournament.

Tampok sa torneyo ang 24 na manlalaro mula sa 12 koponan ng liga kung saan ang gagamitin nila ang mobile application game na PBA Slam.

Nagkakahalaga ng P250,000 ang magiging premyo na mapupunta sa charitable institution na mapipili ng mananalong team.

Mapapanood ang naturang event tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo at maari ring mapanood sa PBA Rush tuwing alas-7 ng gabi at sa www.pba.ph.

Facebook Comments