PBA | Meralco Bolts nasa do or die game kontra San Miguel Beermen

39

Nasa must win situation ngayon ang Meralco Bolts kontra San Miguel Beer sa kanilang laro na gaganapin mamayang 6:45 P.M sa Big Dome.

Kailangan kasing manaig ang Meralco para makuha nila ang huling puwesto sa quarterfinals ng 2018 Governor’s Cup.

May four-game winning streak ngayon ang Bolts at may kartadang apat na panalo kontra sa anim na talo. Katabla nila para sa 8th spot ang sister-team na TNT KaTropa.

Malaking tulong din sa koponan ang pagbabalik sa line-up nina Ranidel Ocampo at Niño Canaleta mula sa injured list.

Pero mapapalaban ng husto ang Meralco sa San Miguel Beer.

Bukod kasi sa sariling four game winning run ng Beermen, babalik din sa hardcourt ang four-time reigning MVP na si June Mar Fajardo.

Facebook Comments