PBA, muling kinansela ang laro ng Blackwater Elite kontra Magnolia Hotshots

181

Muling kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang laro ng Blackwater Elite kontra sa Magnolia Hotshots sa nagpapatuloy na Philippine Cup.

Ito’y dahil sa inaabangan pa nila ang approval ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) kung maaari nang maglaro ang team ng Blackwater.


Matatandaan na isa sa mga player ng Elite ay naging suspected case ng COVID-19 pero negatibo naman ito sa antigen at RT-PCR test kung saan negatibo rin sa virus ang kapwa players at coaching staff nito.

Ito na ang ikalawang beses na kinansela ang laro ng Blackwater habang tuloy naman ang laban sa pagitan ng San Miguel Beermen at Meralco Bolts mamayang alas-6:45 ng gabi.

Facebook Comments