PBA, naghihintay na lamang ng desisyon ng IATF kung papayagan silang magsagawa ng mga laro sa Clark, Pampanga

41

Umaasa si Philippine Basketball Association (PBA) Chairman Ricky Vargas na maglalabas na ng desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa plano nilang simulan ang mga laro sa PBA All Filipino Cup.

Matatandaan na balak gawing “NBA bubble style” ang mga laro sa susunod na season ng PBA at nais nila itong masimulan sa darating na October 9, 2020 sa Clark, Pampanga.

Ayon kay Vargas, nakapag-sumite na sila ng sulat sa IATF at inaasahan nila na sa darating na weekend ay malalaman na nila ang desisyon ng task force.

Sinabi pa ni Vargas at ni PBA Commissioner Willie Marcial na sisiguraduhin nila sa IATF at sa Department of Health (DOH) na kanilang ipapatupad ang strict health protocols sa bawat teams.

Nabatid na sa plano ng PBA, gagawin ang mga laro ng Philippine Cup sa Angeles University Foundation Gym habang may tatlong basketball facilities na bubuksan para doon naman isagawa ang mga team practice ng bawat koponan.

Facebook Comments