PBA, naghihintay na lang ng “go signal” ng LGUs para makabalik-ensayo

38

Hinihintay na lamang ng ilang koponan sa Philippine Basketball Association (PBA) ang go-signal mula sa lokal na pamahalaan upang muling makapag-ensayo.

Ayon kay San Miguel Team Manager Gee Abanilla, hinihintay na lamang nila ang clearance mula sa Quezon City government.


Habang ayon naman kay Rain or Shine Coach Chris Gavina, nagpasa na sila ng pormal na request sa Mandaluyong City local government.

Nauna nang nag-ensayo ang ilang koponan sa Batangas City at Ilocos Norte bago pa ibinaba ang quarantine classification sa NCR Plus.

Facebook Comments