PBA player ng San Miguel Beer na si Dorian Peña, sinampahan na ng kaso kaugnay sa iligal na droga

251

Manila, Philippines – Pormal nang sinampahan ng kaso ang dating PBA player ng San Miguel Beer na si Dorian Peña.

Inaresto ang PBA cager ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – Anti-Illegal Drugs Group sa isang buy bust operation sa Mandaluyong City.


Nakuha ng mga tauhan ng NBI kay Peña ang dalawang sachet ng shabu.

Habang sa isinagawang drug test ay nagpositibo ito sa paggamit ng iligal na droga.

Kasama ni Peña na isinalang sa inquest proceedings sa sala nina Fiscal Jocelyn Dugay at Ethel Rea Soril ang dalawa pang mga suspek na sina Leddy Mea Vilchez at Jose Paolo Ampeso.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong possession & use of dangerous drugs habang sina Vilchez at ampeso naman ay sinampahan ng kasong sale, possession, use of dangerous drugs at maintenance of drug den.




DZXL558

Facebook Comments