PBA | Rain or Shine pasok na sa semifinals ng 2018 PBA Commissioners Cup

18

Manila, Philippines – Pasok na ang Rain or Shine Elasto Painters sa semifinals ng 2018 PBA Commissioner’s Cup matapos manalo kontra GlobalPort Batang Pier.

Tinalo ng Elasto Painters ang Batang Pier sa score na 103-97 kung saan nanguna sa panalo ng Rain or Shine ang kanilang import na si Reggie Johnson na mayroong 29-points at 15-rebounds.

Pinahanga naman ni James Yap si Rain or Shine Coach Caloy Garcia dahil sa kakaiba nitong performance na ipinakita at kumamada ng 27-points.

Makakaharap ng Painters ang Barangay Ginebra sa semifinals na magsisimula sa Linggo, July 15.

Facebook Comments