PBA | ROS, pinabagsak ang Ginebra

118

Manila, Philippines – Pinutol ng Elasto Painters Rain or Shine ang apat na magkakasunod na panalo ng Barangay Ginebra.

Wagi ang ROS sa iskor na 104-97 kontra Ginebra sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup.

Bida si Terrence Watson ng ROS na kumamada ng 29 points, 19 rebounds, at anim na blocks.

Ang ROS ay may kartada ng 1-4 win-loss record habang laglag sa 7-2 ang BGSM kung saan pumuwesto na ang kings sa second place.

Facebook Comments