PBA | San Miguel Beer, isang panalo na lang ang kailangan para makapasok sa Finals

53

PBA – Abot kamay na ng San Miguel Beer ang pagkakataon na muli nilang
maidepensa ang kanilang korona sa Philippine Cup ng PBA.

Tinambakan kasi ng Beermen ang Barangay Ginebra, 102-81 kagabi sa game 4 ng
kanilang best of seven semifinals sa MOA Arena.

Walang nagawa ang Gin Kings kahit nanood pa ng laro ang Living Legend ng
Philippine Basketball na si dating Senador at dating Ginebra Coach Robert
Jaworski.

Pinangunahan ni Marcio Lassiter ang opensa ng SMB sa kaniyang 23 points
habang nag-ambag naman ng 19 si Alex Cabagnot.

May 31 points naman si Japeth Aguilar para sa Gin Kings.

Dahil sa panalo umangat na sa 3-1 na abante ang Beermen kontra sa Gin Kings.

Facebook Comments