PBA | San Miguel Beermen, pasok na sa semifinals ng PBA Commissioners Cup

39

Manila, Philippines – Pasok na sa semifinals ng PBA Commissioners Cup ang San Miguel Beermen matapos na ma-sweep sa best of three quarterfinals series ang TNT KaTropa.

Tinalo ng Beermen ang KaTropa sa score na 106-102 kung saan nanguna sa panalo ng SMB ang kanilang import na si Renaldo Balkman na may 25-points.

Dahil dito, makakaharap ng SMB sa best of five series ang Alaska Aces at mapapanood naman ang game 1 sa Lunes, July 16.
Mapapanood naman mamayang alas-7:00 ng gabi sa Mall of Asia Arena ang Do-or-Die game quarterfinals series sa pagitan ng number one seeded na Rain or Shine kontra number 8 na GlobalPort Batang Pier.

Facebook Comments