PBA | SMB, pinabagsak ang NLEX Road Warriors

Manila, Philippines – Nasungkit ng San Miguel Beermen ang kanilang ikalimang sunod na panalo makaraang ilampaso ang NLEX Road Warriors sa iskor na 125-114 sa PBA Commissioner’s Cup.

Umulan ng 56 na puntos mula kay Jun Mar Fajardo at Marcio Lassiter para sa Beermen.

Si Fajardo ay nakapagtala ng 30 points at 13 rebounds habang nag-ambag si lassiter ng 26 na markers.


Matibay na ang tiyansa ng beermen na makapasok sa quarterfinalround.

Facebook Comments