PBA | Standhardinger, game time decision kung maglalaro mamayang gabi para sa SMB

38

Manila, Philippines – Posibleng ibangko muna sa ikatlong sunod na laro ng San Miguel Beermen ang rookie big man nito na si Christian Standhardinger.

Game time decision kasi kung papayagan ni SMB Coach Leo Austria si Standhardinger na sumabak sa hardcourt kontra GlobalPort Batang Pier mamayang alas kuwatro y media sa MOA Arena.

Hanggang ngayon kasi ay may iniindang sakit sa kaniyang tuhod si Standhardinger na naglaro sa kakatapos lang na FIBA 3×3 World Cup sa Philippine Stadium sa Bocaue, Bulacan.

Pero kahit hindi naglaro sa huling dalawang game ng SMB si Standhardinger nanalo naman ang Beermen.

Kasalukuyan may three-game winning run ang SMB matapos matalo sa una nilang tatlong laro sa PBA Commissioner’s Cup.

Facebook Comments