PBA teams, balik-ensayo na matapos ang anim na buwang pagkakahinto dahil sa pandemya

34

Balik-ensayo na ang mga koponan ng Philippine Basketball Association (PBA) matapos ang anim na buwang pagkakahinto dahil sa Coronavirus pandemic.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, maaaring gawin ang practice araw-araw mula alas-7:00 ng umaga hanggang hapon pero ito ay by batches at kailangang alinsunod sa health at safety protocols.


Aniya, ipinag-utos na rin niya sa bawat koponan na magsumite ng daily reports kung saan nagpupunta ang mga manlalaro at sino ang kanilang nakakasalamuha.

Tiniyak din ni Marcial na mayroon silang grupo na nag-iinspeksyon sa mga training venue para masigurong naipapatupad ang kanilang mga bagong panuntunan.

Facebook Comments