
Nasa Pilipinas na si Japanese Prime Minister Shigeru Ishiba para sa kaniyang official state visit sa bansa.
Dumating sa bansa ang Japanese Prime Minister kaninang alas-12:48 nang hapon at ginawaran naman ng arrival honors sa Malacanang bago mag-alas-5:00 nang hapon.
Sinalubong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at First Lady Liza Araneta-Marcos ang Prime Minister at kanyang maybahay na si Yoshiko Ishiba, gayundin ang Japanese delegation.
Matapos nito ay sumabak sa bilateral meeting ang dalawang lider kung saan tinalakay ang mga kooperasyong may kinalaman sa ekonomiya, pulitikal, at depensa, at ang people-to-people exchange ng Pilipinas at Japan.
Inaasahang namang ipipresenta ang mga nilagdaang kasunduan ng dalawang bansa sa joint press statement sa Palasyo.
Naghahanda rin ng hapunan sa Palasyo bilang pang huling bahagi ng pagbisita ng Japanese Prime Minister sa bansa na nakatakda nang bumalik sa Japan bukas, April 30.