COURTESY: Presidential Communications Office

Bibiyahe sa Russia si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa June 17 hanggang June 18, 2026 upang dumalo sa ASEAN-Russia Commemorative Summit.

Ayon kay Palace Press Officer at PCO Undersecretary Claire Castro, tatalakayin sa summit ang naging takbo ng kooperasyon ng ASEAN at Russia, gayundin ang mga susunod na hakbang upang higit pang mapalalim ang kanilang relasyon at pakikipagtulungan.

Mahalaga aniyang makadalo ang pangulo sa naturang pagpupulong dahil ang Pilipinas ang kasalukuyang chair ng ASEAN, kasabay ng paggunita sa ika-35 anibersaryo ng ugnayan ng ASEAN at Russia.

Gayunpaman, wala pang impormasyon kung magkakaroon ng hiwalay na bilateral meeting si Pangulong Marcos kay Russian President Vladimir Putin.

Samantala, sinabi ni Castro na nais ni Energy Secretary Sharon Garin na pag-aralan ang iba pang mga opsyon para sa energy transition at diversification ng bansa. Inaasahan umanong tatalakayin ito sa pakikipagpulong sa Russian Ambassador to the Philippines.

Facebook Comments