PBBM, bukas sa paggamit ng blockchain para sa mas transparent na budget

Bukas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paggamit ng blockchain technology at artificial intelligence (AI) sa pagbabantay ng national budget.

Ang blockchain ay isang digital ledger o talaan ng lahat ng transaksyon ay permanenteng naka-record at nakikita ng lahat ng may access, kaya mahirap magtago ng anomalya.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala pa siyang nakikitang AI system na angkop para rito, pero naniniwala siyang may potensyal ang blockchain technology.

Patuloy aniyang hahanapan ng paraan ang paggamit ng pondo ng bayan upang matiyak na bawat sentimo ay mapakikinabangan ng mamamayan.

Pero paliwanag ng pangulo, ang problema ay hindi sa kawalan ng sistema kundi sa hindi pagsunod sa mga umiiral na patakaran.

Pinakamahalaga pa rin aniyang masunod at ipatupad nang mahigpit ang mga umiiral na alituntunin upang maiwasan ang anomalya at katiwalian sa budget ng gobyerno.

Facebook Comments