
Hindi pinapansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang mga patutsada ni Bise Presidente Sara Duterte laban sa kanya.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, batid ng Palasyo na matagal nang puro paninira at walang matibay na ebidensiyang inilalabas si VP Sara laban sa pangulo.
Dahil dito, hindi na umano pinapansin ng pangulo ang mga ganitong isyu.
Sa halip, nakatuon si Pangulong Marcos sa pagtupad sa kanyang tungkulin at sa pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
Naniniwala rin ang Malacañang na nakikita ng publiko kung paano masigasig na nagtatrabaho ang pangulo para sa bansa.
Facebook Comments









