PBBM, hindi magpapadala sa pambobola ng mga opisyal ng gobyerno

May babala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tamad at bolerong opisyal ng gobyerno kasunod ng nagpapatuloy na performance review sa kaniyang mga gabinete.

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi na siya basta-basta naniniwala sa magagandang report ng mga opisyal lalo na sa mga malalaking proyekto ng gobyerno.

Giit ng Pangulo ayaw na niya ng “business as usual” at mas magiging mahigpit siya ngayon para makuha ang target lalo na sa mga legacy projects ng administrasyon partikular sa transportation projects, agricultural projects, at iba pa.

Dahil dito, sinabi ng Pangulo na talagang pupuntahan niya ang proyekto para makita mismo kung totoo ang nakalagay sa report o binobola lamang siya ng mga opisyal.

Malaki aniya ang pagkakaiba ng makatanggap ng report na sasabihing natapos na ang project pero kapag pinuntahan ay iba sa reyalidad.

Facebook Comments