
Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na special non-working day ang araw ng June 24 sa Maynila.
Batay sa Proclamation No 925, nakasaad na ito ay para sa paggunita ng lungsod sa ika-454 na araw ng pagkakatatag ng lungsod.
Layon nitong makibahagi ang mga Manileño sa pagdiriwang ng araw ng Maynila.
Ang naturang proklamasyon ay inilabas ng Manila Public Information Office at pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Facebook Comments